Movie Review: Kita Kita

It was one of those Saturday afternoons where I'm not busy doing business errands that I decided to watch a movie alone. I've read a lot of good reviews on a new film, Kita Kita, and I was dying to see it. Here are some random observations.

1. Ang ganda-ganda ni Alesandra de Rosi. Bagay na bagay sya sa mga ganyang role- nagtatravel, happy go lucky. Not your typical artista na sobrang puti. Parang ang natural nya.

2. As usual, funny pa rin si Empoy. Ang natural lang din ng mga banat nya. Kumbaga, walang kaeffort-effort.

3. Mabigat sa dibdib lalo na yung part na nakakkita na siya ulit hanggang sa last part. Mapapatanong ka nalang sa universe kung bakit ganun kasaklap ang kapalaran nila. Parang nabitin tuloy ako. Andun na eh, nakakakita na siya, malapit na sa happy ending tapos biglang *blag*. Ang bigat bigat sa dibdib.

4. May mga taong magpapaalala sa atin na "Hey, life is good. Make the most out of it".

5. Ganun naman talaga dapat magmahal- hindi nagbabase sa itsura. Basta napapasaya ka at kuntento kang kasama siya, ok na yun. Hindi kailangang maganda. Ang mahalaga, napapangiti ka.

6. Wala akong masabi. Ang bigat pa rin sa dibdib.

So ayun, tulad ng iba, nag-una hanggang sampu din ako.

P.S. Cellphone lang gamit ko. Will edit this on a laptop.
________

Una. Unang beses na nakita kita, sabi ko tang-*na, hindi ka naman kagwapuhan.

Dalawa. Dalawa silang gf mo. PInagtatawanan ko siya. Tapos nito lang, dalawa kaming gf mo. Hahaha.

Tatlo. Tatlong buwan tayo nung binigyan mo ako ng bulaklak. Roses lang yun na galing pa sa may flower shop sa Farmer’s Cubao. Wala ka man lang pa-Holland Tulips. Kahit kelan ang kuripot mo talaga.

Apat. Apat na buwan palang tayo nung nanlalamig ka na. Ang bilis mo naming magsawa.

Lima. Wala ka palang kalaban-laban sa limang taong relasyon nila. Limang taong panloloko sa kanya. Iba talaga kapag ang isa tanga at ang isa may konsensya. O meron nga ba?

Anim. Anim na taon mula nung makilala kita. Anim na taon ng pagpapakatanga.

Pito. Pitong beses mo na yata akong inutangan (wala na akong maisip, promise. haha)

Walo. Minsan, walong-oras ang time-difference natin. Alas-kwatro ng madaling araw dito, kasarapan ng tulog ko. Pero kailangan kong magising kasi lunchbreak mo at aantayin ko ang reply mo.

Siyam. Sa isang taon, siyam na buwan kang wala. Siyam na buwan na nagagawa ko ang mga gusto ko. Siyam na buwan na hindi ko isisiping masasabihan na naman ako ng magastos kapag may binili ako.

Sampu. Sampung oras tayong nagbiyahe pauwi sa inyo. Ikaw ang nagdadrive, ako ang taga-kwento. Sa sampung oras na yun, naubusan na ako ng ikukwento/sasabihin sayo. Nagsawa ako bigla. Kakayanin ko kaya ang buwan o taon na kasama ka? Kaya dun ko naisip, TAMA NA.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s